top of page
Search
ecoortizrebadejo

Baka Lang Naman

haay..

maraming tanong..

minsan naisip ko siya

sa gabi na ako'y mag-isa

ngunit nakangiti ako

dahil nakita ko syang

niyayakap ako..

dumating ang umaga...

... hindi na ako nag-iilusyon

nakita ko sya sa malayo

pero bakit nasa harap ko na sya

hindi mapakali..

nagdadalawang isip

kung lalakasan ang aking loob.

nakakaakit ang ngiti

kayat bumigay ang paa ko,

naglakad patungo sa kanya

at napahinto sa mismong

kinatatayuan niya.

mula sa pagdaloy ng tamis

ng nanabik na puso

niyakap ang dilag na pagmamahal

sa maiksing sandali

akin ang buong mundo niya.

tama nga..

mula sa paghahangad nabubuhay

ang katotohanan ng buhay..

mamahalin, aangkinin

ang mistulang hindi magiging akin.


2 views0 comments

Recent Posts

See All

KULAPOS

Comments


bottom of page