Pagdamutang mula sa pitak ng karagatan
ng Olimpong tamis at dunong ang handog
Tunay at ang buhay ay nababalot
ng himala magpakailanman
sa titik ng kumakatha ng oras at pag-asa
Tunay ka ngang Bathala ng mga bathala
naririto ang kaluluwang
higit pa sa anghel
larawan ng lupa at espiritu
na iyong inangking lubos
Binihisan mo araw at gabi
ng kislap sa iyong diwa.
Puspos at dalisay…
Dala ay hiwaga
mula sa pusod ng laot ng kasalanan
patungo sa dambana ni Abel
ikaw nga!..at wala ng iba..
…ang makapaghahatid ng kamangyang tungong langit
mula sa nagdarahop at busabos na puso.
…ang guguhit ng liwanag, kislap ng ligaya
mula sa mga pulubing nanglilimos ng Krus.
…ang kalupi ng buhay at kaban ng kundiman
mula sa lagas at paos na tinig ng hirap.
-eco-
Comments